ALAM ay:
- Isang party-list organization na mayroong regional chapters mula sa Luzon, Visayas at Mindanao.
- Binubuo ng mga propesyonal na mamamahayag (media men) at mga mamamayang galing sa iba’t-ibang sektor ng lipunan.
Ang kumakatawan sa mga naninindigan sa pagpapahayag na may KATOTOHANAN, may KALAYAAN, at may KALINGA sa taong bayan.
Ang ALAM ay naniniwala na:
- Ang tanging limitasyon sa pagpapahayag ay ang KATOTOHANAN.
- Ang HUSTISYA ay para sa LAHAT.
- Ang bawat mamamayan na gustong malayang maipahayag ang kanilang saloobin ay maari ring tawaging MAMAMAHAYAG.
- Sa ATIN nakasalalay ang ating kinabukasan at kaunlaran, hindi sa gobyerno at sa ibang tao.
- Walang corrupt sa mamamayang MULAT.
- Walang DEMOKRASYA kung walang MALAYANG MEDIA.
- Mas madaling pagtanggap ng mga sumusunod na serbisyong panlipunan:
- benepisyong pangkalusugan
- edukasyon at scholarship
- legal assistance
- insurance
- benepisyo para sa Senior Citizens
- programang pangkabuhayan
Mga self-help programs na may kaugnayan sa:
- pagtatayo at pagpapalakad ng mga kooperatiba
- maliliit na negosyo o mga programang pangkabuhayan
- pagprotekta sa ating kapaligiran at likas-yaman lalo na ang ukol sa pagmimina
- mga programang pangkalusugan na tutugon sa pangangailangan ng mga mahihirap nating kababayan
- mga programang magpapabuti ng peace and order, susugpo ng krimen at problema sa droga at pagsasamantala sa mga manggagawa
- mga programang pang-edukasyon o pagbibigay ng pagkakataon sa mga walang kaya na makapag-aral ng libre
No comments:
Post a Comment